STRIPES & POLKA DOTS







Free Web Site Counter
Free Web Site Counter


Friday, November 18, 2005

Commute

Ganito lang naman talaga ang buhay
Paminsan feel na feel ko ang saya saya saya
Madalas para bang babagsak ang langit at malilimot ko ang lahat ng kasiyahan
Pakiramdam ay para bang mula noon hanggang ngayon ay wala ng kasiyahan
Ganyan ako makaramdam
Ganyan ako mag-isip

Ewan ko ba kung kelan nagbago ang pakiramdam ko
Hindi ko alam kung kelan ko naisip na sawa na ako sa kolehiyo, ang pinakamasayang yugto ng buhay ko,
Na handa na akong harapin ang pagtanda
Dalawang taon na yatang tapos ang kolehiyo nong maisip ko yon
Na wala na akong babalikan
Ang hirap kasi hindi naman ako masaya sa kinalalalgyan ko ngayon
At wala naman kasiguruhan ang bukas
Kung magiging masaya ba ako sa pupuntahan ko
Hindi ko naman alam kung saan talaga ako pupunta

Ang labo
Para akong nasa biyahe pero ayokong pumunta doon, ayokong pumara, ayoko din naman bumalik
Dito na lang ako sa dyip, sa biyahe, ok na ako dito
Paikot-ikot pero ayos lang
May sumasakay may bumababa
Madaming kuwentuhan, maraming tahimik, maraming storyang nakatago
Paminsan may mabaho pang sasakay, paminsan may seksi, paminsan may jologs, pero ayos lang ok na to
Ayoko na ngang bumaba eh
Kada ikot na lang magbabayad ako kay manong drayber
Ang saya saya pa ng tugtog

Kelangan pa bang i-memorize yan

Posted by xam :: Friday, November 18, 2005 :: 2 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------