STRIPES & POLKA DOTS







Free Web Site Counter
Free Web Site Counter


Friday, November 18, 2005

ano, sino, saan, kelan, magkano

Bakit, bakit?
Sino bang tao ang hindi nagtanong nito
Ang pinakamahirap sagutin at madalas hindi nasasagot
Sisiw lang ang iba – ano, sino, saan, kelan, magkano
Mejo mahirap ng konti ang paano
Pero ok lang yun nasasagot pa din ng hula

Yung bakit, yun talaga, kakaiba talaga
May halo laging sakit, di kasiguruhan, pagaalinlangan
Di pwedeng basta basta ang sagot
Di biro ang tanong na to
Masagot man kung bakit, pwede pa din sundan ng parehong tanong, Bakit
Merong pang “nga” sa huli

Ang labo

Sa dinadami dami ng bakit sa buhay ko gulong gulo na ako

Bakit ako nandito?
Bakit ganito ang ginagawa ko?
Bakit nagkaganito?
Bakit ako naging ganito?

Para bang natutunaw na ako
Para bang umiikot na ang paligid ko
Para bang natatabunan na ako ng kalahatan ng lahat
Para bang nilibing ako ng buhay

Di ko napansin na ipit pala ang paa ko sa nagawa kong to
Ngayon di ako makaalis kung di ko puputulin ang paa ko
Hindi naman ako handing gawin yon

Bakit ba ako gulong gulo?
Bakit ba di ko malaman ang dapat gawin?
Bakit di ko magawang gawin ang tama?
Bakit ganito? Bakit ako? Bakit siya? Bakit hindi ako?

Potah
Di ko maintindihan talaga
Pumupurol na ang utak ko
Di ako makapaniwalang nagging matalas to minsan

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Bakit hindi ko masagot ang mga tanong ko?
Bakit ako nag-iisa?
Bakit? Bakit nga? Bakit nga sabi eh

Sagutin mo naman ang tanong ko
Kinakausap ka eh hindi ka sumasagot
Hindi yun ang tinatanong ko
Sabing bakit eh

Posted by xam :: Friday, November 18, 2005 :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------