STRIPES & POLKA DOTS







Free Web Site Counter
Free Web Site Counter


Sunday, January 22, 2006

Hello Manny!

Grabe ang bilib ko sa kanyang offensive and defensive moves. Kung dati ay hindi niya mailagan si Morales at palagi siyang tinatamaan, ngayon ay talagang nakakailag siya. Halos hangin na lang ang tinatamaan ni Morales. Hahahaha! Astig talaga si Pacquiao!

Image hosting by Photobucket But more than anything, bilib ako sa pagkatao niya. Nasorpresa pa niya ako dahil sa kanyang nationalism, GENUINE, CONTAGIOUS NATIONALISM, bagay na halos di na natin nakikita ngayon. It's been a while since I saw the Filipinos ACTUALLY UNITED in spirit. Na iwagayway ang bandilang Pilipinas na may taglay na sense of pride. Na-impress din ako sa kanyang humility. Iba ang pagkaka-describe niya sa pagkapanalo niya. He had the humility (and confidence at the same time) to actually say na he didn't expect to beat Morales by a knockout. Hindi siya arogante. The way he thanked the Filipino people for all the support and prayers, he really remembered who to thank. Isa pa. Muslim ako, pero bilib ako sa pagiging relihiyoso niya. Mula sa paghahanda sa laban hanggang sa mismong laban hanggang sa pagtatapos. Hindi niya nalimutan magdasal, makaalala sa Diyos. At kitang-kita sa pagpapalaki sa kanya, dahil maski nanay niya, relihiyosa din. Bilib ako sa disiplina niya. Disiplinado, pero marunong din mag-"loosen up". Determinado. Masipag.
Magaling siya sa ginagawa niya. Kahanga-hanga pa siyang tao. Isang tunay na ehemplo.
Go Pacquiao.


On the side:

Medyo nakakainis kung iisipin kung paano sumasawsaw ang corporate world sa kasikatan ni Pacquiao - Alaxan, Surf (DUH!!), etc. Pero ok lang, it's what brought the fight on TV! hehe

Nakakaaliw isipin na nagkaisa talaga ang mga Pilipino this time. Tama nga yung biro, sana palagi tayong nagkakaisa na ganito. Pero kung iisipin, marami naman tayong atleta na dapat ay bigyan din natin ng karampatang atensyon at pagtatanghal. Biglang nawala ang "Hello Garci", naging "Hello Manny" muna ang laman ng balita.

Posted by xam :: Sunday, January 22, 2006 :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------